Pormal nang nanumpa sina Deputy Speakers Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr., at Jonny Pimentel bilang bagong miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na partidong kinabibilangan ni Pangulong Rodrido Duterte.
Kapwa nanumpa sina Gonzales at Pimentel kay bagong PDP-Laban President Senador Manny Pacquaio.
Mababatid na in-appoint si Gonzales bilang vice president ng partido para sa Luzon, habang si Pimentel naman ay Regional President para sa Caraga Region.
Kasunod nito, hinimok ni Senador Pacquiao ang lahat ng opisyal at miyembro ng partido na tiyaking walang makakalusot na korapsyon sa kanilang hanay dahil ito aniya ang sisira sa bansa.