Dapat na umanong lusawin ang Good Conduct Time Allowance o GCTA.
Ito ang iminungkahi ni Sen. Sherwin Gatchalian matapos maging kontrobersyal ang paglaya sana ni convicted rapist-murder at dating Calauan mayor Antonio Sanchez dahil umano sa magandang asal na ipinakita nito sa New Bilibid Prison.
Ayon kay Gatchalian, nagagamit lamang ang GCTA sa katiwalian sa loob ng Bureau of Correction o BuCor kaya’t mas mainam kung buwagin na ang naturang batas.
Naniniwala ang senador na kayang gumawa ng paraan ng mga drug lord at rapist para lamang makalabas sa bilibid kahit pa ang magbigay ng lagay sa ilang tiwaling opisyal ng BuCor.
Una rito, ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na limang Chinese drug lord ang nakalaya na ng NBP nitong Hunyo dahil sa GCTA.