Hindi pinapaboran at lubhang ikinalungkot ng Volunteers Against Crime And Corruption (VACC) ang napipintong paglaya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez makaraang maconvict sa panggagahasa at pagpatay ng isang estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB).
Ito, ayon kay Arsenio “Boy” Evangelista, pangulo ng VACC, ay dahil tila nabiktima muli sila sa ikalawang pagkakataon.
Ikinalungkot ni Evangelista at hindi nito paburan ang napipintong paglaya ni ex-Calauan, Laguna mayor Sanchez dahil sa sinasabing napagsilbihan na nito ang kanyang ‘good conduct time allowance’.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 21, 2019
Malaki aniya itong kabiguan sa mga naging biktima ng naturang krimen at malaki aniyang katanungan ngayon ay kung nasaan na ang hustisya para sa biktima ng aniya’y “karumal-dumal” at “grabeng” krimen na ginawa ni Sanchez.
Binigyang diin din ni Evangelista na hindi ‘pro-victim’ ang batas na Good Conduct Time Allowance (GCTA) kung saan binabawasan ng mga otoridad ang sentensya ng mga convicts kasunod ng magandang pag uugali ng mga ito sa loob ng piitan.
Evangelista sa ‘good conduct time allowance’ sa ilalim ng RA 10592: Itong batas na ito ay hindi pro-victim.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 21, 2019
Bilang hakbang, mangangalampag aniya sila sa Board of Pardons and Parole upang mabigyang-linaw ang kanilang rules and engagement hinggil sa naturang batas at maging sa Department of Justice (DOJ) upang igiit na tutukan ang naturang kaso.
Evengelista sa kanilang mga magiging hakbang: Pupunta kami sa DOJ na tututukan namin talaga itong kaso na ‘to.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 21, 2019
Panawagan ni Evangelista kay Pangulong Rodrigo Duterte, magbigay ng matibay na kautusan ang pangulo sa DOJ na tutukan, bigyan ng atensyon, bantayan at i-review ang lahat ng mga may kaugnayang kaso upang maihain ang nararapat na hustisya para sa mga biktima.
Evangelista: Nananawagan kami ng matutukan ng DOJ ito, magbigay ng atensyon, magbigay ng instruction na very strong na ireview at bantayan ang lahat ng mga kaso na gaya nito.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 21, 2019
Ratsada Balita Interview
“Nasaan ang hustisya?”
Ito ang tanong ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) hinggil sa napipintong paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez at sa isyu ng Republic Act 10592.
Ayon kay VACC President Arsenio “Boy” Evangelista, sa hinaba-haba ng proseso na pinagdadaanan ng mga biktima ay hindi pa rin maibibigay ang kanilang hinahangad na hustisya.
Aniya, tila nabiktima sila sa ikalawang pagkakataon.
‘Yung pinagdaanan naming, hirap na hirap kami sa court battle, inaccount mo ‘to, nandiyan yung threat, lahat, lahat ng element nandiyan tapos at the end of the day hindi niya iseserve yung full sentence,” ani Evangelista.
Idinetalye rin ni Evangelista ang magiging hakbang ng kanilang mga grupo kung tuluyang mapalaya ang dating alkalde.
Unang-una bibisitahin naming tong, iyon nga pinag-uusapan namin, yung Bureau of Pardons and Parol kung ano ba talaga yung rules of engagement nila tapos, e, again, mag-iingay tayo, pupunta kami sa DOJ na tututukan talaga namin itong kasong to,” paliwanag pa ni Evangelista.
Sa panulat ni Gene Margarette Cruz