Inabangan hindi lamang ng mga taga-hanga kundi ng samabayan ang rebelasyon ng transformation ni Marlou Arizala o mas kilala na ngayon bilang si Xander Ford.
Napa-bilib at napatili ang fans ni Xander nang lumabas na ito.
Maituturing na umano ngayon bilang isa sa mga heartthrob ng henerasyon ang bagong Marlou na dating miyembro ng grupong Hasht5.
Ayon kay Xander, plano na niyang ipagpatuloy ang showbiz career niya para matulungan ang kanyang mga magulang.
Dumaan ang binata sa isang plastic surgery kung saan inayos ng mga doktor ang ilang parte sa kanyang mukha.
Ang rebelasyon ng bagong Marlou ay ipinalabas sa primetime show ng Kapamilya Network na Rated K.
Agad naman itong nag-trending sa social media at umani ng mga positibong reaksyon at suporta mula sa netizens.