Bawal magpatakbo o mag-operate ang mga malalaking dayuhang kompanya ng internet sa russia simula January 1, 2022.
Kabilang dito ang Google at Meta platform na bagong pangalan ng facebook na pag-aari ng mga Amerikano.
Ito ang ibinabala ng gobyerno ng Russia hanggat hindi magtatalaga ng mga tauhan at opisina sa kanilang lugarang mga naturang kompanya.
Maliban dito, pinagmulta rin ang dalawang platform ng malaking halaga dahil sa paglalabas ng mga nilalaman na ipinagbabawal sa teritoryo ng russia.
Pinagbayad ang google ng 98 million dollars at meta ng 27 point 15 million dollars.
Mahigpit na ipinagbabawal sa nabanggit na bansa ang anumang balita o mensahe na nagsusulong ng iligal na droga, pag-gawa ng armas at pampasabog at terorismo tulad ng Islamic State. — sa panunulat ni Airiam Sancho