Patuloy ang paghimok ni Presidential Spokesman Harry Roque sa publiko na bumisita sa Boracay at tumulong na pasiglahin ang ekonomiya nito.
Kasunod na rin ito nang pagbisita ni Roque sa isla nitong nakalipas na weekend.
Ipinabatid sa DWIZ ni Roque na 55 silang bumisita sa Boracay kahapon, samantalang halos 40 katao ang nagpunta rito ng Biyernes at Sabado.
Ipinaabot ni Roque ang pangamba ng mga taga-Boracay na hindi sila maka-survive at magsarang muli ang isla kung hindi magtutuluy-tuloy ang pagbisita ng mga turista na makakapagpasiglang muli sa turismo roon.
Nanawagan po tayo sa ating mga kababayan na nais magkaroon ng, kumbaga, e, break from quarantine, bukas na po ang Boracay, wala na pong edad na ipinagbabawal dito, ke bata, ke matanda. Ang kinakailangan lang po, magrehistro sa web page ng Aklan government, magkaroon ng PCR test, at napakabilis naman po ng proseso dahil mayroon silang QR code system, ginagamit nalang po ang computer na parang baril, at mabilis po ang pagpasok,” ani Roque. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882