Nakarerekober na si Senador Richard Gordon mula sa COVID-19 makaraang magpositibo sa naturang sakit noong isang Linggo.
Ayon kay Gordon, bagaman mayroon pang pneumonia, bahagya nang bumubuti ang kanyang kondisyon habagat patuloy ang kanyang treatment gamit ang Remdesivir.
Anya, mananatili siya sa Makati Medical Center hanggang sa tuluyan siyang gumaling.
Samantala, binigyang-diin naman ng Senador ang kahalagahan ng testing at isolation maging ang pagpapabakuna.
Hinimok din ng Chairman ng Philippine Red Cross ang publiko na magpabakuna na habang mayroon pang sapat na vaccine supply. — sa panulat ni Drew Nacino mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)