Desidido na si Senator Richard Gordon na tuldukan na ang pagdinig ng senado sa extrajudicial killings sa bansa.
Siniguro ni Gordon na matututukan sa huling pagdinig ang totong isyu ang extrajudicial at hindi ang Davao Death Squad (DDS).
Hindi na rin papaharapin sa senate hearing ang self-confessed member ng DDS na si Edgar Matobato.
Gagawin ang huling pagdinig ng komite sa susunod na linggo.
Not saying sorry
Samantala, nanindigan si Senate Committee on Justice and Human Rights Chairman Senador Richard Gordon na hindi siya hihingi ng paumanhin kay Senadora Leila de Lima.
Ito’y makaraang akusahan ni Gordon si De Lima na nagtatago ng impormasyon na aniya’y napakahalaga para sa ginagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa extrajudicial killings.
Kung tutuusin ayon kay Gordon, mas malaki ang naging kasalanan nila Senador De Lima at Trillanes dahil sa pagtatago nila sa nagpakilalang dating miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato sa panahong kinakailangan na ito sa pagdinig.
By Rianne Briones