Hinimok ni Senador Richard Gordon ang pamahalaan na magsanay pa ng mas maraming mga magbabakuna para sa gagawing coronavirus disease 2019 (COVID-19) immunization drive.
Ayon kay Gordon, may krisis mang nararanasan ang bansa o wala, dapat na nagsasanay ito ng mga vaccinators sa hanay ng iba’t-ibang mga health professionals.
Dagdag pa ni Gordon, pupwede ring isama ang mga wala pang medical backgrounds na nagnanais na maging doktor sa hinaharap basta’t clinical supervisions ang mga ito.
Kasunod nito, kinwestyon din ni Gordon ang Department of Health (DOH) na magsasagawa ng vaccination program, gayung may 617,239 health care workers lang ito.
Mababatid sa naturang bilang, 73,836 ang mga nasa pribadong health institutions, 64,998 naman ay nasa pampublikong health facilities, 29,000 mula sa DOH, 30,629 sa mga lokal na pamahalaan, habang ang mga nalalabing bilang ay pawang mga contact tracers, barangay health workers, at social workers.