Hinimok ni Senador Richard Gordon ang Philippine National Police o PNP at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na arestuhin si dating police senior superintendent Eduardo Acierto.
Ito’y makaraang magpadala ng intelligence report si Acierto sa PNP, PDEA at sa mismong senador hinggil sa mga personalidad na sangkot umano sa illegal drug trade kabilang na si dating presidential economic adviser Michael Yang.
Ayon kay Gordon, walang bagong ebidensya si Acierto na magpapatibay sa kanyang naturang pahayag.
Inililihis lamang anya ni Acierto ang tuon ng mga otoridad sa iba sa pamamagitan ng kanyang binuong umano’y report ng mga sangkot sa droga para makatakas sa kanyang pananagutan sa pagkakasangkot niya sa 11-billion-peso shabu shipment noong nakaraang taon.
Gayunman, kailangan pa ring pag-aralan ng korte, PNP, PDEA, National Bureau of Investigation at Department of Justice ang pag-aresto kay Acierto.