Iginiit ni Senador Richard Gordon na hindi tamang husgahan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang senado.
Ito’ makaraang sabihin ni Faeldon na kaya wala siyang balak na dumalo sa mga pagdinig ng Senado at Kongreso ay dahil hinuhusgahan umano agad sila at nasisira ang pangalan at reputasyon ng mga inosenteng resource person.
Ngunit ayon kay gordon, dapat lang na humarap at sagutin ng dating Commissioner ang mga ipinupukol na mga seryosong alegasyon laban sa kanya upang maibigay ang kanyang panig.
Tiniyak naman ng Senado na bibigyan nila ng pagkakataon si Faeldon na makapagsalita kaugnay sa nakalusot na 6.4 billion-peso na shabu shipment mula sa China at sa isyu ng ‘tara’ o payola system sa BOC o Bureau of Customs.
Umaasa pa rin si Gordon na dadalo sa pagdinig si Faeldon sa Lunes upang maiwasan na ang pag – aresto at pagkulong dito