Lumalakas umano ang pagla- lobby ng supplier ng dengvaxia para muli itong gamitin sa gitna na rin nang paglobo ng kaso ng dengue sa bansa.
Ibinunyag ito ni Senador Richard Gordon bagamat hindi direktang tinukoy ang french company na Sanofi Pasteur na siyang manufacturer ng dengvaxia.
Ayon pa kay Gordon dapat munang suriin ang bakuna bago ito ipamahagi muli sa publiko dahil hindi uubrang mag supply ang gobyerno ng nasabing bakuna at sasabihin ng supplier na hindi nila alam ang epekto nito sa tao.
Hindi pa aniya tanggap ang dengvaxia sa buong mundo kaya’t dapat na mga duktor ang sumubaybay sa pagbibigay nito sa mga tao.
Sinabi pa ni Gordon na mayroon pang konsultasyon ang mga kukuha ng bakuna sa expert na magsasabi kung ano ang dapat ingatan sa kanilang katawan, kung nakaranas na noon ng dengue o unang beses pa lang makakatanggap ng bakuna.
Batay sa record ng DOH mahigit 3,000 katao na naturukan ng dengvaxia ang na ospital mula 2016 hanggang 2018.