Nagpahayag ng pagka-alarma si Sen. Richard Gordon kaugnay sa hindi matapos-tapos na pambibiktima ng mga “riding-in-tandem”.
Sa pagbusisi ng senate blue ribbon committee kaugnay sa umano’y anomalya sa implementasyon ng Motorcycle Crime Prevention Act, sinabi Gordon na nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 114na insidente na kinasasangkutan ng riding-in-tandem nitong Enero 1 hanggang 31.
Ayon kay Gordon, nuong 2020 nakapagtala ng 1,422 kahalintulad na mga insidente.
Giit ni Gordon, paulit-ulit na patayan ang nangyayari kada taon kung saan parang nasasanay na lang ang mga tao na tila hayop na lang ang binabaril ngayon at sinasabing ito ay dahil sa droga o magnanakaw.
Hindi aniya katanggap-tanggap ito at hayaan na lang na maging normal sa ating lipunan.
Si Gordon ang author ng motorcycle Crime Prevention Act na may mandato sa land transportation office na maglabas ng mas malaki at color-coded na license plate ng mga motorsiklo.