Ginagamot na sa Makati Medical Center si Senator Richard Gordon makaraang tamaan ng COVID-19 kahit bakunado na ng Astrazeneca.
Na-admit si Gordon sa Makati Med upang ma-obserbahan at isailalim sa iba pang pagsusuri.
Batay sa CT Scan, nakararanas ng Pneumonia dulot ng COVID-19 ang 75 anyos na mambabatas.
Bagaman asymptomatic, aminado ang Senador na napansin niya ang pagbabago sa kanyang kalusugan matapos mahirapan sa pagtulog.
Si Gordon na ang ika-anim na senador na dinapuan ng COVID-19. —sa panulat ni Drew Nacino