Naghimutok si Senate Committee on Justice and Human Rights Chair Richard Gordon sa muling pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kaugnay sa umano’y extrajudicial killings.
Ito’y makaraang tawagin si Gordon na coward o duwag ni Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Eugenio Cadiz dahil sa pansamantalang pagsuspinde nito sa naturang pagdinig.
Bahagi ng pahayag ni Senator Richard Gordon
Magugunitang nagkaisa ang mga senador na miyembro ng komite na pansamantala munang itigil ang pagdinig matapos ang mainitang pagtatalo nila Senador Gordon, Trillanes at De Lima dahil sa biglaang pagkawala ng testigong si Edgar Matobato para patunayan sana ang kanyang mga paratang.
Bahagi ng pahayag ni Senator Richard Gordon
Leila de Lima
Hindi na dapat madamay ang imbestigasyon ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa sama ng loob ni Committee Chairman Richard Gordon kay Commission on Human Rights Commissioner Roberto Eugenio Cadiz.
Ayon kay Senador Leila de Lima, dapat ituloy na ng komite ang pagpapaharap sa mga testigong dala ng CHR laban sa extrajudicial killings.
Bahagi ng pahayag ni Senator Leila de Lima
Pabor naman si Senador Panfilo Lacson na tapusin na ang imbestigasyon ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa EJK o extrajudicial killings.
Ito, ayon kay Lacson ay kung wala na silang madidiskubreng bagong impormasyon ukol sa EJK.
Dahil dito, pabor si Lacson na iharap na lahat ng testigo sa EJK sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayon ng komite.
Bahagi ng pahayag ni Senator Panfilo Lacson
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19) | Len Aguirre