Umapela si Senador Richard Gordon kay Pangulong Rodrigo Duterte na maging maingat sa pagbibitaw ng mga salita.
Ito’y ayon kay Gordon makaraang sabihin ng Pangulo na ‘mukhang pera’ ang Philippine Red Cross (PRC) matapos na ihinto nito ang pagsasagawa ng COVID-19 testing dahil sa naipong utang ng PhilHealth.
Ayon kay Senador Gordon na chairman din ng Red Cross, ang sinisingil nila ay siyang pagkakautang naman ng PhilHealth makaraang magbigay serbisyo ang Red Cross.
Sa kabila nito, ani Gordon, bilang respeto sa Pangulo, kanya itong bibigyan ng ‘benefit of the doubt’.