Tiniyak ni Senador Richard Gordon na nakahanda na sa pagbibigay ayuda ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga maaapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Ompong.
Ayon kay Gordon, chairman ng PRC, kaniya nang inalerto ang lahat ng chapter nito sa mga ng lugar na tatamaan ng Bagyong Ompong.
Pinatitiyak din ni Gordon, ang kaligtasan ng pamilya ng kaniyang mga tauhan at maipatupad sa kanilang tahanan ang paghahanda bago maglingkod sa bayan.
Sinabi ng senador na kabilang sa kanilang pinaghahandaan ang mga pagbaha at landslide bunsod ng inaasahang mga pag-ulan.