Walang balak si Senador Richard Gordon na depensahan ang mga panukala tungkol sa pagbuhay ng death penalty sa oras na makalusot ito sa Committe on Justice and Human Rights na kaniyang pinamumunuan.
Paliwanag ni Gordon, hindi siya naniniwala sa pagiging epektibo ng parusang kamatayan para mabawasan ang krimen sa bansa.
Gayunman, tiniyak ni Gordon na bukas siyang pangunahan ang pagdinig ukol dito ngunit kaniyang iginiit na hindi niya ito mai-isponsoran.
Ang mga panukala ay ire-refer sa Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Gordon.