Hindi na interesado si Senate Committee on Justice Chairman Richard Gordon na buhayin ang imbestigasyon para ipatawag muli at pakinggan ang mga testimonya ni self-confessed killer Edgar Matobato.
Ayon kay Gordon, ito’y dahil sarado na ang imbestigasyon ng komite hinggil dito.
Iginiit ni Matobato na mismong si Matobato ang sumira sa kanyang sarili nang mabigo itong patunayan sa Senado ang kanyang mga alegasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa DDS o Davao Death Squad.
Mas marami aniyang importanteng isyu at batas na dapat pagtuunan ng pansin ng Senado ngayong taon kaysa pag-ukulan pa ng pansin si Matobato.
By Meann Tanbio