Mariing itinanggi ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na hindi nito pinondohan ang presidential campaign noon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagbibiro lamang, aniya, ang Pangulo nang banggitin nitong isa siya sa mga pulitikong naglagak ng pondo para sa pagtakbo ni Pangulong Duterte sa nakaraang eleksyon.
Gayunpaman, inamin ni Marcos na sinuportahan ng buong Ilocos Norte ang kandidatura ng Pangulo.
Isang empanada at soft drink lamang, aniya, ang ibinigay nito kay Pangulong Duterte kaya hindi na lumabas ang kanyang pangalan sa listahan ng mga donor na nakasulat sa statement of contributions and expenditures ng Pangulo.
By: Avee Devierte