Pinayagan na ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na magbigay ng kani kaniyang direktiba ang mga Local Chief Executives sa kanilang mga nasasakupan.
Ito ay matapos ibaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alerto ng bulkang Taal sa alert level 3.
Ayon sa gobernador, ito ay para masiguradong mabigyan ng atensyon ang bawat pangangailangan ng mga mamamayan.
Samantala, iginiit naman ni Mandanas na sa ipapatupad na derektiba ay kailangang may ipapatupad na curfew, checkpoints at iba pang magbibigay proteksyon sa mga mamamayan ng Batangas.