Nanawagan si Surigao del Sur Governor Johnny Pimentel sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na tulungan sila sa pagtugon sa pangangailangan ng mahigit sa 3,000 evacuees na Lumad.
Sinabi ni Pimentel na kanila pang kaya ibigay ang pangangailangan ng mga ito subalit maaaring mameligro ang kanilang mga supply kung mas magtatagal pa ang mga ito sa evacuation centers.
Ayon kay Pimentel, huling lumikas ang mga lumad noong 2009 dahil sa military operations at nanatili sila ng 45 araw sa evacuation centers.
“Sa ngayon nasu-sustain pa namin dahil these are 600 families consisting of 3,200 individuals, isipin mo na lang, nagco-consume ito ng 30 sacks a day, hindi kasama yung pagkain . I’m appealing to the national agencies, lalo na sa DSWD, DOH o sa OPAPP na pwedeng matulungan din kami. As of now, nasu-sustain pa naman namin pero hanggang kailan yun hindi natin alam,” Paliwanag ni Pimentel.
By: Katrina Valle | Ratsada Balita