Kumpiyansa si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kapasidad ni retired M/Gen. Daniel Casabar bilang bagong direktor ng Government Arsenal.
Ito’y makaraang pormal na palitan ni Casabar si Retired M/Gen. Jonathan Martir sa isinagawang turn over ceremony kahapon sa Kampo Aguinaldo.
Ayon kay Lorenzana, tiwala siyang magagampanan ni Casabal ang pangarap nitong maging self-reliant ang Pilipinas sa defense posture nito.
Pagtitiyak pa ng kalihim na kanilang ikinukunsidera ang Government Arsenal bilang priority supplier ng mga armas hindi lamang para sa militar kundi sa buong security forces ng bansa.