Walang part 2 o ikalawang bugso ng decommissioning process o pagsusuko ng armas ng mga rebeldeng miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Babala ito muli kapwa ng government at MILF peace panels kapag hindi naipasa ang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Ayon kina Professor Miriam Coronel Ferrer at MILF Chief Negotiator Mohagher Iqbal, tiyak nang madidiskaril ang peacetalks kapag hindi naisabatas ang panukalang BBL.
Kapwa naniniwala sina Ferrer at Iqbal na tanging ang BBL lamang ang magbibigay daan para tuluyang isuko ng MILF ang lahat ng kanilang mga armas na bahagi ng normalization process.
By Judith Larino