Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order no. 170 na nagbibigay ng pahintulot sa mga tanggapan ng pamahalaan na gamitin na rin ang mga Digital payment.
Sa ilalim ng E.O 170, maaari nang gamitin ang nasabing payment method sa pamamahagi ng pinansyal na ayuda mula sa gobyerno, maging ang pasahod para sa mga government employee, allowance at iba pang kompensasyon.
Maaari ding gawin sa bagong electronic system na ito ang pagbabayad ng buwis at iba pang fees at tolls sa pamahalaan.
Mayroon nang technical working group na binuo ang Malacañang na siyang babalangkas sa guidelines ng EO 170 na kinabibilangan ng Finance Department, Department of Budget and Management, Government Procurement Policy Board, Bureau of Treasury at Bureau of Internal Revenue.
Nilinaw naman ng pamahalaan na pwede pa ring gumamit ng cash at iba pang mode of payment sa government transaction. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Pat 17)