Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si GCC o Government Corporate Counsel Rudolf Philip Jurado.
Inanunsyo ng Pangulo ang pagtatanggal kay Jurado sa ceremonial signing ng dalawang batas sa Palasyo kung saan hinanap pa niya ang opisyal.
Ayon kay Pangulong Duterte, naki-alam si Jurado sa pagbibigay ng 75-year gaming franchise sa isang casino operator kahit hindi ito sakop ng kanyang hurisdiksyon.
Partikular na binatikos ng pangulo ang ipinalabas na legal opinion ni jurado na maaaring mag-isyu ng gambling permits ang APECO o Aurora Pacific Economic Zone kahit hindi sakop ng territorial jurisdiksyon nito.
Ikaw, Government Corporate Counsel, you are fired. I don’t need you and maybe you don’t need me. Pahayag ni Pangulong Duterte