Plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior na magbigay ng bigas sa mga empleyado ng gobyerno bilang bahagi ng kanilang suweldo.
Ayon kay Pangulo Marcos, nais niyang matiyak na may bigas ang bawat pamilya.
Dahil pamahalaan na anya ang bibili ng bigas, makamumura ang mga empleyado at hindi kailangang bumili ng mas mahal.
Nilinaw naman ni PBBM na hindi mawawalan ng negosyo ang mga rice producer dahil magkakaroon ng demand, lalo’t maraming bibilhin ng gobyerno.
Ipinunto ng punong ehekutibo na maraming malalaking korporasyon ang magbibigay ng rice allowance kaya’t sisimulan na rin ito sa pamahalaan.