Umabot na sa 1.64 trillion pesos ang government infrastructure funding o katumbas ng apat na porsyentong gross domestic product (GDP) sa nakalipas na sampung (10) quarter o simula noong 2016.
Ito, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, ay kumpara sa 1.63 trillion pesos.
Indikasyon aniya ito na patuloy ang pagbilis ng pagpapatupad ng mga infrastructure project sa ilalim ng “Build Build Build program.”
Inaasahang makukumpleto ang mga nabanggit na proyekto sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2022.
Samantala, nagkaroon din ng improvement sa purchasing power bilang resulta ng personal income tax cuts sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law na nakatulong sa domestic demand noong isang taon.
—-