Lumampas sa target ang government infrastructure spending sa unang quarter ng taon o simula Enero hanggang Marso.
Umakyat sa 157.1 billion pesos ang halaga ng mga inilargang proyekto sa loob lamang ng unang tatlong buwan batay sa pinaka-huling datos ng Department of Budget and Management o DBM.
Kumpara ito sa 117.5 billion peso government infrastructure spending sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ilan sa mga dahilan ng paglago ng infrastructure spending ay ang dahil sa payments ng mga account para sa implementasyon ng road infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Bukod sa disbursement ng personnel services, ang paggastos sa imprastraktura ay nakatulong sa paglago ng total government spending sa 782 billion pesos sa unang quarter kumpara sa kabuuang 755.8 billion pesos na halaga ng programa.
—-