Dinagsa ng libu-libong naghahanap ng trabaho ang isinagawang job fair ng Civil Service Commission (CSC) – NCR sa University of the Philippines.
Nasa 3,000 naman ang alok na trabaho mula sa iba’t ibang ahensya.
Ayon sa CSC, karamihan sa mga nagapply ng trabaho ay fresh graduate.
Kaugnay nito, nagpaalala ang CSC na bagamat may mga ahensya na hindi mahigpit pagdating sa pagkakaroon ng experience, kailangan pa rin anilang pumasa sa Civil Service Eligibility exams.
Nabatid na pinakamaraming bakanteng trabaho sa Department of Health (DOH), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).
Samantala, sinabi ng CSC na asahan na ang pagkakaroon ng government online career fair kung saan maaaring i-upload na lamang ng isang aplikante ang kaniyang personal data sheet.