Nakatakdang lumipad patungong Oslo, Norway ang mga government negotiator para sa muling pagbuhay sa usaping pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines.
Pangungunahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III at Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang pakikipag-usap sa makakaliwa sa susunod na buwan.
Ayon kay Dureza, hindi dapat na madaliin ang pag-uusap gayundin ang pag-uwi sa bansa ni CPP Founder Jose Maria Sison.
Aniya, maraming pang dapat na isaayos ngunit siniguro nito na gagawin ng gobyerno ang lahat upang maplantsa ang tuluyang pagbabalik ni Sison.
Siniguro ni Dureza na ang mabubuong kasunduan ay sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at CPP – NPA – NDF ay walang kinalaman sa usapin ang third party country.
By Rianne Briones