Muling maghaharap sa peace negotiating table ang mga kinatawan ng Government Peace Panel at National Democratic Front sa Noordwyk sa Netherlands mula Abril a-Dos hanggang a-Sais.
Ang Norway ang magsisilbing third party facilitator ng Peacetalks, kung saan si Norwegian Special Envoy to the Peace Process Elisabeth Slattum ang magsisilbing Chairman.
Nabatid na naging facilitator na sa peace process ang Norway simula pa noong 2001.
Ipinabatid ni Norwegian Ambassador to the Philippines Erik Forner na sesentro ang pag-uusap sa social at economic reforms, at bilateral ceasefire agreement.
Matatandaang noong Pebrero, pansamantalang itinigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusulong ng peace talks dahil sa patuloy na pananambang ng mga rebelde sa tropa ng militar sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping