Nadagdagan ang kita ng gobyerno ng 9.7% revenue increase sa unang 6 na buwan ng taon.
Ito ay batay sa tala ng Department of Finance (DOF) sa likod ng mas mataas na koleksyon bunga ng tax reform program.
Umabot sa P1.5-T noong Enero hanggang Hunyo mas mataas ito kumpara sa P1. 4-T sa kaparehong panahon noong 2018.
Paliwanag ng DOF ito ay dahil sa ikalawang bahagi ng train 1 at ng patuloy na tax administration reforms.