Nagkasundo na ang mga US senators para muling buksan ang gobyerno matapos ang tatlong araw na government shutdown.
Kasunod ito ng pagpayag ng democrats na itigil na ang pagharang sa pondo ng gobyerno kapalit ng pangakong pagtalakay sa lagay ng mga kabataang illegal immigrants.
Batay sa resulta ng botohan, 81 mga US senators na binubuo ng 48 Republicans at 33 democrats ang bumoto ng yes para pag-usad ng panukalang pondo ng gobyerno.
Kasabay nito muli namang bumuwelta si US President Donald Trump sa mga Democrats at sinabing kanyang ikinagagalak ang aniya’y natigil nang kahangalan ng mga ito.
Dagdag ni Trump, bubuo lamang sila ng kasunduan kaugnay sa mga immigrants kung ikabubuti ito ng Estados Unidos.
—-