Nilagdaan na ni US President Donald Trump ang kontrobersyal na Government Spending Bill, ilang oras matapos itong lumusot sa Kongreso.
Dahil sa botong 240 – 186 ng House of Representatives, tuluyan nang natapos ang limang (5) oras na partial shutdown ng US government.
Nakasaad sa batas ang tatlong daang bilyong dolyar ($300-B) na dagdag na pondo para sa militar habang binibigyan ang mga mambabatas ng hanggang Marso 23 para gumawa ng full-year budget.
Subalit kahit nagkabotohan na, nais pa rin ni Senate Majority Leader Mitch Mcconnell na mabuksan ang immigration debate sa susunod na linggo.
Magugunitang huling nagkaroon ng government shutdown sa US noong 2013 na tumagal ng 16 araw.