Mas gugustuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gobyerno-sa-gobyernong transaksyon ng pagbili ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa kaniyang public address ngayong Martes, muling inihayag ng pangulo ang kaniyang tiwala sa China para bilhan ng bakuna kontra sa nakahahawang sakit.
Ngunit nais umano niyang iwasan ang pakikipagtransaksyon ng pribado sa mga negosyante upang hindi rin ito mabahiran ng anomang katiwalian.
Hindi kami maghingi. We will pay [for the vaccine]. Maganda sana, government-to-government ang transaction. Walang corruption, wala lahat kasi government-to-government. I’m offering it to China kasi mayroon na sila,” ani Duterte. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)