Hindi maaaring gamitin ang resources ng gobyerno para sa politika.
Binigyang-diin ito ni Comelec spokesman James Jimenez matapos ihayag na ipinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyan ng gobyerno o mga red plated para sa pangangampanya.
Gayunman, nilinaw ni Jimenez na may ibinibigay namang leeway ang civil service commission para sa elective officials.
Wala aniyang hurisdiksyon ang komisyon kung ang paggamit ng kandidato ng government vehicle ay hindi pa panahon ng pangangampanya.