Umalma ang mga Government Job Order at Contract Service Worker sa hindi pagkakasama sa kanila sa mga mabibigyan ng hanggang P10K Service Recognition Incentive.
Kabilang sa mga hindi kasali ang mga consultant at mga Job Order tulad ng mga utility worker na kailangang mag-renew ng kontrata kada-6 na buwan.
Ayon kay Roxanne Fernandez, Tagapagsalita ng grupong Kawani Laban sa Kontraktuwalisasyon, naka-di-dismaya na iba ang trato ng pamahalaan sa mga JO at COS workers.
Nilinaw naman ng Department of Budget and Management na may inirekomenda silang insentibo para sa mga JO at COS workers pero pinag-aaralan pa ng Office of the President kung saan kukuha ng pondo.
Samantala, inihayag ni Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na hindi pa isinasara ng gobyerno ang pintuan nito para sa mga nasabing manggagawa sa halip ay hintayin na lamang ang susunod na pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte. —sa panulat ni Drew Nacino