Walang inaasahang tsunami sa anumang bahagi ng bansa.
Kasunod na rin ito nang pagtama ng magnitude 6.6 na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental.
Naitala ang sentro ng lindol sa layong 172 kilometro Timog Silangan ng bayan ng Governor Generoso.
Ibinabala naman ng phivolcs ang posibleng aftershocks matapos ang naturang pagyanig.