Walang balak tumakbo si Batangas Governor Vilma Santos na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016.
Ito ay sa kabila ng pagkunsidera sa kanya nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Vice President Jejomar Binay na maka-tandem para sa 2016 elections.
Ayon sa gobernadora hindi pa niya pormal na nakakausap ang mga nagsasabing nais siyang maging running mate sa halalan sa susunod na taon.
Sinabi ni Santos-Recto na sa ngayon ay nakatuon aniya ang kanyang atensyon sa paggampan ng kanyang tungkulin bilang ina ng Batangas.
Posible din aniya na magretiro na lamang siya sa pulitika at bumalik sa muli sa pag-aartista.
By Ralph Obina