Iniangat ng pwesto ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local chief executives sa priority list ng pamahalaan para sa vaccination program nito.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, ang naturang hakbang ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) matapos niya itong irekomenda.
Mababatid na mula sa B3 priority list ay iniangat ito sa A4.
Kabilang sa mga local chief executives ay ang mga gobernador, mga alkalde at mga kapitan ng barangay.
Mababatid na kabilang sa A4 priority list sa vaccination program ang mga frontline personnel sa mga essential sectors maging ang mga uniformed personnel.