Hinimok ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang mga ahensya ng gobyerno na tulungan ang Philippine General Hospital (PGH) na bumalik sa normal operations matapos masunog ang isang bahagi nito.
Sa isinumite niyang resolusyon, nanawagan si Ordanes sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Finance para magbigay ng tulong pinansyal, personnel, infrastructure at supply assistance sa ospital.
Sinabi ni Ordanes na malaking dagok sa health care system ng bansa na niyanig na ng pandemya ang pagkatupok ng PGH na puntahang ospital ng mga mahihirap na Pilipino.
Kailangan aniyang mabigyan kaagad ng pondo ang PGH at magkaroon ng reconstruction sa ospital para bumalik na sa normal ang operasyon nito sa mga susunod na araw.