Nanganganib matapyasan ang budget ng mga ahensya ang underspending at yung mga itinuturing na corrupt.
Binigyang diin ito ni Senate Finance Committee Chair Loren Legarda matapos humingi muli ng performance audit report sa mga ahensyang pinaka tiwali.
Gayundin ang mga ahensya na sa maraming taon ay nag-underspending kaya’t bumagal ang ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni Legarda na gagamitin ang mga report bilang batayan sa posibleng pagtapyas ng budget kung kinakailangan.
Lumalabas sa resulta ng SWS survey na ang Customs ang itinuturo ng malaking bilang ng mga pribadong kumpanya na most corrupt sa 36 na ahensya ng gobyerno.
Samantala, nasa listahan naman ng Department of Budget na nag-underspending ang Department of Education, DPWH, Department of Agriculture, DAR at DENR.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)