Mawawala na ang mga contractual workers sa pamahalaan pagpasok ng 2021.
Batay sa inamyendayang joint circular ng Department of Budget and Management (DBM), Civil Service Commission (CSC) at Commission on Audit (COA), hanggang December 31, 2020 na lamang puwedeng i-renew ang umiiral na kontrata ng mga contractual employees ng gobyerno.
Gayunman, ang mga contract of service at job order workers na kuwalipikado ay may pag-asang maitalaga sa isang bakanteng posisyon sa mga ahensya ng pamahalaan.
Simula rin ngayong 2019, ipapantay na ang suweldo ng contractual employees sa mga regular na empleyado ng pamahalaan.
Wage hike
Samantala, asahan na ang mas mataas na sahod para sa mga manggagawa ng pamahalaan hanggang sa matapos ang termino ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, kasado na ang pagbibigay nila ng umento sa mga government employees at ang pinag aaralan na lamang ngayon ay kung magkano.
Sinabi ni Diokno na nakatakda silang kumuha ng third party upang pag-aralan ang wage structure ng mga nasa pamahalaan mula 2020 hanggang 2022.
—-