Tiniyak ng Malakanyang na hindi magagamit ang pondo ng gobyerno para sa kampanya ng mga kandidato ng administrasyon
Sa harap na rin ng nakatakdang paglilibot ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga lalawigan para ikampanya ang kandidato ng administrasyon.
Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Manolo Quezon III na mayroong sariling pondo ang liberal party para sa pangangampanya.
Maingat aniya si Pangulong Aquino sa paggamit sa pondo ng gobyerno at ayaw nitong gumastos ng hindi nakikinabang ang interes ng publiko.
By: Aileen Taliping (patrol 23)