Hinamon ng Archdiocese of Cagayan de Oro City ang gobyerno na pairalin ang restorative of justice sa halip na vindictive justice tulad ng panukalang batas na bubuhay sa parusang kamatayan.
Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, ito ang dapat isulong na alternatibo ng pamahalaan sa halip na patawan ng bitay ang mga nagkasala sa lipunan.
Nanawagan naman ng suporta at pakikiisa si Ledesma sa isasagawang “Lakbay Buhay March Caravan” laban sa death penalty na tatagal ng dalawampu’t isang (21) araw sa pangunguna ng multi-sectoral groups at Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP.
Mayo 4 nang simulan ang 21 day lakbay buhay pilgrimage caravan sa CDO na magtatapos naman sa Mayo a24 sa Senado sa Pasay City.
Iginiit ng Arsobispo na hindi lamang mga senador at kongresista ang dapat maimulat ang isip sa naturang usapin kundi maging ang mga mamamayan na patuloy na naniniwalang pagbabalik ng death penalty ang solusyon sa kriminalidad.
By Drew Nacino |With Report from Aya Yupangco