Tiniyak ng liderato ng Government Peace Panel na hindi magiging katulad ng Pilipinas ang Colombia.
Matatandaang sa pamamagitan ng referendum, tinanggihan ng mga Colombian ang kasunduang pangkapayaang nilikha ng kanilang gobyerno para sana sa mga rebeldeng FARC.
Ayon kay government implementing panel for the Bangsamoro Peace Accords Chair Irene Santiago, ito ang dahilan kung bakit dapat siguruhin ng Administrasyong Duterte na tunay ngang makikinabang ang mga Bangsamoro.
Samantala, pormal nang nilagdaan ngayong araw ang executive order para sa bubuuing bangsamoro transition commission na siyang aatasang magpanukala ng mga probisyon para sa bagong Bangsamoro Basic Law.
By: Avee Devierte