Suspendido na ang pasok sa trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa ilang lugar sa Luzon bukas, Biyernes, ika-13 ng Nobyembre dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Ito ang inianunsyo ng Malacañang kung saan, suspendido na rin ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa mga sumusunod na rehiyon:
- National Capital Region
- Region I
- Region II
- Region III
- CALABARZON
- MIMAROPA
- Bicol
- Cordillera Administrative Region
Gayunman, ayon sa Palasyo, magpapatuloy pa rin sa operasyon ng mga ahensya na may kinalaman sa basic at health services, at disaster preparedness and response.
Samantala, ipinauubaya naman ng Palasyo ang pagsuspinde ng trabaho sa mga pribadong kumpanya, tanggapan at mga paaralan sa kanilang pamunuan.