Suspendido na ang pasok sa Kamara ngayong araw na ito dahil sa Bagyong ‘Tisoy’.
Ipinabatid ito ni House Secretariat Secretary General Jose Luis Montales, matapos aprubahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang nasabing suspensyon bagamat magpapatuloy ang operasyon ng engineering department at security bureau ng Kamara.
#WalangPasok —KONGRESO
Walang Pasok sa Kongreso dahil sa #TisoyPH | via @JILLRESONTOC https://t.co/KR2uhT6zjM— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 3, 2019
Ayon pa kay Montales, tuloy din mamayang alas-6:30 ng gabi ang ceremonial signing sa postponement ng 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections Act sa Malakanyang maliban na lamang kung suspindihin ito ng Palasyo. —ulat ni Jill Resontoc (Patrol 7)
Pasok sa NCR courts, suspendido Suspendido na rin ang pasok sa lahat ng Korte sa National Capital Region (NCR) mamayang alas-12 ng tanghali ng Martes, December 3, dahil din sa pananalasa ng Bagyong ‘Tisoy’. Kabilang sa mga suspendido ang pasok ay ang Supreme Court, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan at lower courts sa NCR.
#WalangPasok —COURT (NCR)
Pasok sa lahat ng korte sa NCR, suspendido na mamayang alas-12 ng tanghali ngayong Martes, December 3, dahil sa #TisoyPH | via @SCPh_PIO https://t.co/rAWvq8VapB— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 3, 2019
Pasay City gov’t work, suspendido
Nagsuspinde na rin ng pasok sa gobyerno ang Pasay City dahil sa Bagyong ‘Tisoy’.
Batay sa inilabas na kautusan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, suspendido ang pasok sa lahat ng City Government ng Pasay maliban sa mga tanggapan o mga empleyado na nagta-trabaho sa mga frontline services sa mga disaster oeprations.
#WalangPasok —PASAY
Government work sa Pasay City, suspendido ngayong Martes, December 3, dahil sa #TisoyPH | via @PasayPIO https://t.co/AKI8ER1Mr6— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 3, 2019