Ikinukunsidera ng Civil Service Commission (CSC) na “excused” ang isang government employee na absent dahil naka-quarantine, naka-isolate o nagpapagaling matapos tamaan ng COVID-19.
Alinsunod ito sa inamyendahang CSC Resolution 2101122 sa Interim Guidelines sa paggamit ng Leave Credits for Absences para sa COVID-19 quarantine o treatment.
Nilinaw ng CSC na kailangang ikonsidera ang mga ganitong sitwasyon at maaari namang i-require ang mga empleyado sa work-from-home arrangement depende sa kanilang trabaho.
Ipinunto ng Komisyon na ang “excused absence” ay panahon kung kailan hindi kailangang mag-report sa trabaho ang isang government worker kung sumasailalim sa quarantine, isolation, treatment o may anunsyo na work suspension, pero dapat tumanggap pa rin ng sahod.